Ano nga ba ang ibig kong sabihin an ibalik ang mga orihinal na bagay sa Pakil? Kung itatanong ninyo sa mga matatandang taga-Pakil marami silang maikukwento sa inyo. Katulad na lang ng "PINAIS". ito ay giniling na hipon at ginawang parang bibingka. E kung pangangalagaan natin ang resiping ito, maaaring magamit ito ng mga taga-pakil bilang isang imahe ng bayan. Ang inig kong sabihin ay maraming turista sa Pilipinas na ang hanap ay pagkain. Katulad sa Antipolo ay "suman" gayon din sa "Bohol".
Kung tutuusin ang iba ay pumupunta at dumarayo sa Los Banos para sa Buko Pie. halimbawang sabihin nating malayo. Alam nyo ba na kung nasa Bagiuo kayo, ang iba ay pumupunta pa sa Benguet para bumili ng strawberry. E kung ang turista ay nasa Pagsanjan e di ilang minuto lang nasa Pakil na para dayuhin ang mga orhinal na pagkain dito.
ANO PA BA ANG MGA ORHINAL NA PAGKAIN NG PAKIL?
Pilipit - malagkit na bigas na korteng pilipit and ipinirito sa mantika.
Pinais - giniling na hipon na ibinake
Espasol - iba ang espasol sa Pakil dahil sa tinatawag na "gumaan" o niyog na bata.
Pritong Hipon - actually ito ay bigas na may hipon at parang sityaron.
Guava Jelly - noong araw ang bayabas sa pakil ay may sobrang pula ang loob at napakatamis.
Lanzones (batunisan) - maliit na lanzones.
Tinuto - ginataang laing na binalot ng tali.
Daing na Tilapia - maaring pangkaraniwan na ang Tilapia pero ang daing na tilapia dati sa Pakil ay marami nito.
Ayungin - isdang mas mahal pa sa alimango.
Tsaang Gubat - noon marami ang tsaang gubat sa Pakil at sa ngayon ginagawa itong herbal medicine kaya nga may ice tea na.
Mabolo - maaring wala ng mabolo sa Pakil pero isa ito sa dinarayo ng mga taga-Paete noon.
Dambo - isang uri ng makopa pero maasim.