Marami sa mga kabataang taga-Pakil ang hindi nakakaalam ng mga istorya o kasaysayan ng Pakil noong mga 60's, 70's o 80's dahil hindi pa sila isinisilang noon. Ang Pakil ay isang simpleng bayan ngunit ito ay nasa lugar na malapit sa Maynila, sa Quezon kung saan narito ang Pacific Ocean at Laguna Bay na isang pinakamalaking lawa sa Pilipinas.
Noong matatapos na ang Martial Law, ang People's Center sa Plaza Adonay ay sinakop ng PC upang gawing kampo. Madalas naglalanding ang mga helikopter sa plaza sakay ang mga sundalo at matataas na opisyal ng gobyerno. Makikita minsan ang mga kriminal na nakatali ng lubid na dinadala sa kampo. Kung may mga kriminal katulad ng magnanakaw ng lanzones ito ay binabaril at idinidisplay ang bangkay sa harap ng munispyo kung saan tatakpan ng dyrayo.
Kung may nahuling magnanakaw ng manok ito ay dadalhin sa People's Center kung saan ito ay hinahampas ng ulo ng walis habang ang mga bata ay pwedeng manood. Minasan ipinagbawal ang mga paputok at maraming mga papautok na halos puno ang trak ang dinala sa kampo. Ibunuhos ang mga liquid na watusi sa daan upang hindi na ito magamit.
Mahigpit ang PC noon kaya naman halos nabawasan ang mga kriminal at mga away sa bayan ng Pakil, ngunit may mga natatakot na baka mapagkamalang kriminal at makatikim ng malupit na parusa bago pa ito mapatunayan.
Ang Pakil ay nakaranas din ng mga kahigpitan ng gobyerno at mga epekto ng pulitika sa bansa. Kaya't sa pagkatuto natin sa pagtaguyod ng bayang ito, masasabing sa ngayon, kahit hindi pa ito maunlad ay patuloy itong nagbabago.