Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2013

Negosyo para sa Pag-unlad ng Pakil

Bakit Kailangan Nating Alagaan ang Bayan ng Pakil Naalala noy ba ang isang pabula ni Aesop tungkol sa dagang taga siyudad at dagang taga probinsya? Minsang napunta ang dagang taga probinsya sa siyudad. Sinamahan siya ng dagang taga siyudad sa ibat ibang parte ng siyudad sa pangakong mag eenjoy siya. Subalit ang tanging naranasan ng dagang taga probinsya ay mga kalupitan at mga pagkaing tinatapon lang ng mga maybahay doon. Palaging nakikipaghabulan sila sa mga pusa at laging tinutugis ng mga tao. Dahil dito ang dagang taga probinsya ay bumalik sa kanyang probinsya at doon ulit nanirahan. Katulad ng tao, may umaalis sa bayan nilang sinilangan at may nagbabalik din. Ang mga nananatili sa kanilang bayan ay may karapatan din na maging maayos ang buhay. Pagkuha ng Konsultant Maaaring may iba't ibang kakayanang mag-isip ang mga taga-Pakil pero di ito sapat para umangat ito. Kung obserbasyon lamang ang pagbabasehan, mababa ang pag-angat nito. Ang kahalagahan ng konsultant ay di

AD